Upon booking nag request nako ng early check in, kasi mangagaling pa kami sa malayong lugar, then morning we arrived na in tagaytay, nag text ako if pwede na kami mag check in, but unfortunately nag response sila ng “Greetings from La Bella Boutique Hotel. As of now the room category that you booked for today are still occupied and our standard check out time is 12nn. It will be available before 3pm. Thank you for kind understanding.” Nag ikot muna kami sa tagaytay since hindi pa nga pwede mag check in. Then mga 12pm nakarating na kami sa hotel, nag ask ako sa counter ang sabi sakin 3pm pa pwede. Nag intay kami sa lobby and nag ikot ikot narin, wala naman akong napansin na nag che-check out. Or any other guest. Ilang oras din kaming naka upo lang sa lobby, yung taing tae na kami pero nag iintay kami ng bawat minuto para maka chek in. Then hanggang dumating na ang 3pm ako na ulit ang lumapit sa check in counter dahil hindi talaga kami kinausap or mag sabi manlang ng updates, hindi tulad ng ibang hotel na na book ko, example lang ha Royale Parc Hotel maaga din kami dumating sa tagaytay then kumain muna kami sa labas tapos 11am palang ata non tumawag na sila na pwede na kami mag check in at ang ganda ng service nila bukod sa maganda din ang place. Ang sakin lang naman sa dami ng hotel na napuntahan ko pag available na ang hotel kahit maaga pa pinapa check in na kami. Eh dyan sa kanila 3pm na hindi manlang kami kinausap or anything ako pa mismo ang lumapit sa counter para mag ask ulit if pwede na, tapos kinuha lang nya yung document na pipirmahan sa table then okay na. Well anyway nakalagay naman sa kanila na 3pm ang check in time. Then sa room, hindi ako nagandahan. Hindi ko sya i rerecomend sa iba, maaga din kami nag check out nag tanong pa nga ang kapatid ko kung bakit ang aga namin umuwi sagot ko eh di kasi maganda, then may mga bayad ang ibang toiletries, sabon ay toothbrush lang ang free at isang tubig per guest. May isang request din pala ako na slice ng cake at balloon para sa birthday celebration ko, hindi nila nagawa. Feeling ko di sila nag babasa ng mga request ng guest. Medyo kulang din sa linis ng paligid ang hotel. Yun lang po thank you. Malay natin sa susunod na mabalik ako maganda na ang reviews ko. Sana mabasa nila to para ma improve nila. Salamat po.