2nd time ko na magbook dito. Ang laki ng room at napaka helpful and accommodating pa ng mga staff. We have 5 big luggages and they helped us hanggang sa room namin.. Got a little problem lang sa pag check in, parang di pa marunong yung isang receptionist. Di ma locate yung booking namin sa traveloka, eh binook ko na ito A month ago pa. I think dito nako palagi magccheck in. Lalo pag umuuwi kuya ko from SA and the fact na malapit din siya sa Gateway, Araneta, Farmers and sa Bicol Isarog Bus Terminal para makauwi kami Bicol. 😅 PLUS ANG SARAP NG BREAKFAST NILA. Kaya lagi kami nag aavail. Hahahaha